TULONG PO..GUSTO KO PO SUMAMBA SA IGLESYA.

Go down

TULONG PO..GUSTO KO PO SUMAMBA SA IGLESYA.

Post by kanoppy8 on Sat Sep 05, 2009 11:51 pm

LUMIPAT PO AKO NG CAVITE.. HINDI KO PO ALAM KUNG TIWALAG NA KO..GALING PO AKO NG ANTIPOLO..ANG PANGALAN KO PO AY LEONOR VILLORENTE.. GUSTO KO NA PO BUMALIK NG IGLESYA..MERON NA RIN PO AKONG ANAK, AT KASALUKUYAN NAGSASAMA KAMI NG KA LIVE-IN KO...GUSTO KO PO NA MAGPA DOKTRINA DITO SA AMING LOKAL KUNG AKO PO AY TIWALAG NA..
avatar
kanoppy8

Gender : Female
Locale : locale ng imus cavite
Kapisanan : Kadiwa

Back to top Go down

Re: TULONG PO..GUSTO KO PO SUMAMBA SA IGLESYA.

Post by iam on Sun Sep 06, 2009 1:14 am

kanoppy8 wrote:LUMIPAT PO AKO NG CAVITE.. HINDI KO PO ALAM KUNG TIWALAG NA KO..GALING PO AKO NG ANTIPOLO..ANG PANGALAN KO PO AY LEONOR VILLORENTE.. GUSTO KO NA PO BUMALIK NG IGLESYA..MERON NA RIN PO AKONG ANAK, AT KASALUKUYAN NAGSASAMA KAMI NG KA LIVE-IN KO...GUSTO KO PO NA MAGPA DOKTRINA DITO SA AMING LOKAL KUNG AKO PO AY TIWALAG NA..

^
Ma'am Leonor,

Good day po.
Linawin lang po natin...

Isa po kayong Iglesia ni Cristo at dating nakatala po kayo noon sa Antipolo, tama po ba?
Nangangamba po kayo na wala na ang inyong pangalan sa talaan dahil po ba sa kayo ay Umalis ng Walang Paalam sa inyong lokal (ngayon nga ay may kalive-in at anak na)?
Gaano na po ba katagal ang lumipas?

Ganito po ang inyong gawin:
>>> Makipag-ugnayan po kayo sa lokal na dati nyong kinatatalaan (sa Antipolo).
Maaaring nasa talaan pa po nila kayo at patuloy na hinahanap.

Kung talagang wala po kayong pagkakataon na magsadya sa Antipolo, magtungo po kayo sa pinakamalapit na lokal sa inyong lugar dyan sa Cavite at makipag-ugnayan po kayo sa pastor at kalihiman. Ang lokal po ang maaaring makipag-ugnayan sa lokal na inyong kinatatalaan.

Ngunit kung makapaglalaan po kayo ng oras ay mas mainam na kayo po mismo ang magtungo sa Antipolo.

Sana po ay makatulong po ang tugon na ito sa inyong suliranin.
Pakibalitaan po kami ukol sa isinagawa nyo pong hakbang upang kung sakali ay may maitulong po kami sa inyo.

Salamat po.

GBU,

iam Smile
avatar
iam

Gender : Female
Locale : metro manila south
Kapisanan : Kadiwa

Back to top Go down

Re: TULONG PO..GUSTO KO PO SUMAMBA SA IGLESYA.

Post by iam on Mon Sep 07, 2009 9:38 pm

Sa mga kapatid po natin dito lalo na sa mga kapatid natin na may tungkulin sa kalihiman, sa inyo pong palagay ano po ba ang marapat na gawin ni ma'am leonor?
avatar
iam

Gender : Female
Locale : metro manila south
Kapisanan : Kadiwa

Back to top Go down

Re: TULONG PO..GUSTO KO PO SUMAMBA SA IGLESYA.

Post by mhayrics on Wed Sep 09, 2009 7:45 pm

kanoppy8 wrote:LUMIPAT PO AKO NG CAVITE.. HINDI KO PO ALAM KUNG TIWALAG NA KO..GALING PO AKO NG ANTIPOLO..ANG PANGALAN KO PO AY LEONOR VILLORENTE.. GUSTO KO NA PO BUMALIK NG IGLESYA..MERON NA RIN PO AKONG ANAK, AT KASALUKUYAN NAGSASAMA KAMI NG KA LIVE-IN KO...GUSTO KO PO NA MAGPA DOKTRINA DITO SA AMING LOKAL KUNG AKO PO AY TIWALAG NA..

Kung UWP po kayo talaga pong hinahap kayo ng inyong dating kinatalaan lokal, hindi pa kayo basta ititiwalag kahit ho gano katagal pa kayo kasi po may proseso po iyan. Kahit po sana tumawag kayo sa dati nyong lokal at ipaalam ang inyong kalagayan.Pero sa katayuan nyo po ngayon talaga po kayo matitiwalag dahil may ka live in po kayo. Ang pagka alam ko po sa katayuan nyo ngayon dapat pong matiwalag muna kayo tapos po magpakasal kayo sa huwes at mapadoktrinahan ang ka live in nyo. Kailangan po na mapabautismuhan ang ka live in nyo bago kayo po makabalik. At sana nga po ay ma akay nyo ang ka live in nyo at para maihandog na din ang inyong anak.

mhayrics

Gender : Female
Locale : imus
Kapisanan : Buklod

Back to top Go down

Re: TULONG PO..GUSTO KO PO SUMAMBA SA IGLESYA.

Post by iam on Fri Sep 11, 2009 2:29 pm

Tama po na ikinatitiwalag ang may kinakasama o kalive-in.

Sa kaso ni ma'am Leonor, posible po na di pa ito batid sa kintalaang lokal nya sa Antipolo kaya maaaring UWP pa rin ang status nya.

Ngunit kung mabatid sa lokal nya na may kalive-in sya at may anak...matitiwalag nga po sya.

Tama po na dapat akayin muna ni ma'am Leonor ang kanyang kinakasama at pakasal sila upang maging legal na mag-asawa.

Mas mainam na makipag-ugnayan ka po, ma'am Leonor, sa lokal na kinatalaan mo upang mabigyang linaw at maituro po nila sayo ang mga hakbang na dapat mong gawin.

Paki-update lang po kami dito sa forum.

Salamat po. ^_^

GBU.
avatar
iam

Gender : Female
Locale : metro manila south
Kapisanan : Kadiwa

Back to top Go down

Re: TULONG PO..GUSTO KO PO SUMAMBA SA IGLESYA.

Post by kanoppy8 on Mon Sep 14, 2009 11:41 pm

iam wrote:
kanoppy8 wrote:LUMIPAT PO AKO NG CAVITE.. HINDI KO PO ALAM KUNG TIWALAG NA KO..GALING PO AKO NG ANTIPOLO..ANG PANGALAN KO PO AY LEONOR VILLORENTE.. GUSTO KO NA PO BUMALIK NG IGLESYA..MERON NA RIN PO AKONG ANAK, AT KASALUKUYAN NAGSASAMA KAMI NG KA LIVE-IN KO...GUSTO KO PO NA MAGPA DOKTRINA DITO SA AMING LOKAL KUNG AKO PO AY TIWALAG NA..

^
Ma'am Leonor,

Good day po.
Linawin lang po natin...

Isa po kayong Iglesia ni Cristo at dating nakatala po kayo noon sa Antipolo, tama po ba?
Nangangamba po kayo na wala na ang inyong pangalan sa talaan dahil po ba sa kayo ay Umalis ng Walang Paalam sa inyong lokal (ngayon nga ay may kalive-in at anak na)?
Gaano na po ba katagal ang lumipas?

Ganito po ang inyong gawin:
>>> Makipag-ugnayan po kayo sa lokal na dati nyong kinatatalaan (sa Antipolo).
Maaaring nasa talaan pa po nila kayo at patuloy na hinahanap.

Kung talagang wala po kayong pagkakataon na magsadya sa Antipolo, magtungo po kayo sa pinakamalapit na lokal sa inyong lugar dyan sa Cavite at makipag-ugnayan po kayo sa pastor at kalihiman. Ang lokal po ang maaaring makipag-ugnayan sa lokal na inyong kinatatalaan.

Ngunit kung makapaglalaan po kayo ng oras ay mas mainam na kayo po mismo ang magtungo sa Antipolo.

Sana po ay makatulong po ang tugon na ito sa inyong suliranin.
Pakibalitaan po kami ukol sa isinagawa nyo pong hakbang upang kung sakali ay may maitulong po kami sa inyo.

Salamat po.

GBU,

iam Smile




Salamat po sa mga nag reply..

hindi pa po ako nkakapunta dito sa lokal ng cavite.
ang alam ko po tiwalag na ako, kasi po may mga kamaganak ako doon sa antipolo na dinadalaw ng mga kapatid, hindi sila iglesya. sinabi na po siguro nila na may ka live-in na ako dito sa cavite.

marami pong salamat sa tulong kapatid. pupuntahan ko po yung lokal para maitanong ko po.. salamat po ulit..
avatar
kanoppy8

Gender : Female
Locale : locale ng imus cavite
Kapisanan : Kadiwa

Back to top Go down

Re: TULONG PO..GUSTO KO PO SUMAMBA SA IGLESYA.

Post by iam on Mon Sep 14, 2009 11:59 pm

kanoppy8 wrote:[quote="iam]
Salamat po sa mga nag reply..

hindi pa po ako nkakapunta dito sa lokal ng cavite.
ang alam ko po tiwalag na ako, kasi po may mga kamaganak ako doon sa antipolo na dinadalaw ng mga kapatid, hindi sila iglesya. sinabi na po siguro nila na may ka live-in na ako dito sa cavite.

marami pong salamat sa tulong kapatid. pupuntahan ko po yung lokal para maitanong ko po.. salamat po ulit..

ganun po ba.
matagal po kasi ang proseso ng pagtitiwalag.
meron po akong kalokal na halos pareho ng kaso nyo.
almost 3 yrs na po syang ginagawan ng ulat ng kanyang katiwala pero hanggang ngayon ay hindi pa rin po nabibigyan ng pasya.

although ganun na nga po ang lagpak nun, kaya lang ay nadidelay po minsan.
kaya mas mainam nga po na alamin nyo po mismo sa lokal na kinatalaan nyo kung naisama na po ang pangalan nyo sa naalis na sa talaan.
sikapin nyo po na makabalik sa talaan.

God bless po.
avatar
iam

Gender : Female
Locale : metro manila south
Kapisanan : Kadiwa

Back to top Go down

Re: TULONG PO..GUSTO KO PO SUMAMBA SA IGLESYA.

Post by Sponsored content


Sponsored content


Back to top Go down

Back to top


 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum